Beppu
about beppu
Matatagpuan sa gitnang bahagi ng Oita Prefecture, ang Beppu ay isa sa pangunahing lugar panturismo ng bansang Hapon dahil sa marami at dekalidad na onsen (hot springs) na matatagpuan at nagmumula rito. Matatagpuan sa loob ng lungsod ng Beppu ang walong natatanging onseng pampaliguan na kilala bilang "Beppu Hatto". Binubuo ito ng Beppu onsen, Hamawaki onsen, Kamegawa onsen, Kannawa onsen, Kankaiji onsen, Horita onsen, Shibaseki onsen, at Myoban onsen. Ang Beppu onsen, bilang sentro ng Beppu Hatto, ay natatangi dahil ito ay binubuo ng mga panturismong pasilidad tulad ng Takegawara onsen at ng Beppu Tower. Ang Takegawara onsen ay mayroong marangyang bubong na hango sa istilo ng Karahafu. Samantala, ang Beppu Tower ang pangatlong tore ng radyo sa bansang Hapon.
- ◎ Onsen
- Nangunguna ang Beppu pagdating sa dami at kalidad ng onsen sa buong bansang Hapon. Bawat minuto, 87,616 litro ng mainit na tubig ang lumalabas sa mga bukal ng Beppu at ang dami ng bilang nito ay sinasabing puma-pangalawa sa buong mundo. Bukod pa rito, sa talaan ng 11 klase ng hot spring na nakasaad sa batas pang-onsen ng lungsod ng Beppu, tanging ang radyoaktibong klase lamang ng onsen ang hindi matatagpuan sa Beppu.
- ◎ Kasaysayan
- Ang Beppu ay mayroong mahabang kasaysayan na nakatala sa Topograpiya ng Bungo at Topograpiya ng Probinsya ng Iyo mulang pa noong panahon ng Nara. Nang magbukas ang ruta patungong Beppu mula sa Osaka noong 1873, unti-unting dumami ang mga bumibisita sa Beppu hanggang sa naging tanyag na destinasyon ito pagdating sa turismo ng onsen.
- ◎ Klima at Topograpiya
- Matatagpuan sa isla ng Kyushu, at nakaharap sa panloob na dagat ng Seto, ang Beppu ay mayroong katamtaman at kaaya-ayang klima, at madalang na pag-ganap ng natural na kalamidad. Napapalibutan ng bulubundukin at dagat, mamamalas sa dahilig na anyo ng Beppu ang magandang tanawin mula sa mga natural na usok ng mga onsen nito.
- ◎ Kaganapan
- Bilang pasasalamat sa biyaya ng natural na ganda ng mga onsen sa Beppu, maraming masasayang kaganapan sa Beppu. Natatampok na tema ang "Beppu Hatto Onsen Matsuri (Kapistahan ng Beppu Hatto Onsen)" at "Onsenchi de Genki de Kirei (Pagpapasigla at pagpapa-ganda sa rehiyon ng onsen)" sa mga iba't ibang programa tulad ng eksibisyon na tinatawag na "Beppu Hatto Onsen Hakurankai (Onpaku)," at ang pagkuha ng sertipikasyon bilang eksperto ng onsen sa pamamagitan ng paglalakbay na kilala bilang "Beppu Hatto Onsen Michi." Bukod pa sa mga ito ay mayroon ring Beppu Argerich Music Festival, Beppu Art Month, at kapistahang pang-sining na gaganapin taon taon mula 2016 na tinatawag na "in BEPPU" kung saan itatampok ang sari-saring kultura at sining sa Beppu.
- ◎ Likhang-sining
- Patuloy ang Beppu sa paglikha ng mga natatanging kagamitang yari sa kawayan tulad ng basket, at salaan. Kasama rin sa likha mula sa Beppu ang kushi (tradisyonal na kahon) at suklay na yari sa natatanging kahoy na mula sa Beppu. Bilang natatanging lugar ng likhang-sining mula sa kawayan na yari sa kamay, ang Beppu ay itinalagang isa sa lugar ng tradisyonal na sining ng bansang Hapon.
Lokasyon at akses (direksyon)
◎ Akses sa pamamagitan ng eroplano
Ang pinakamalapit na paliparan ay ang Oita Airport, ngunit mararating rin ang Beppu gamit ang Fukuoka Airport at Kitakyushu Airport.
Mula sa Tokyo
Haneda
JAL http://www.jal.co.jp/en/
ANA http://www.ana.co.jp/asw/index.jsp?type=de
Mula sa Nagoya
Chubu International Airport
ANA http://www.ana.co.jp/asw/index.jsp?type=de
Mula sa Osaka
Itami
JAL http://www.jal.co.jp/en/
ANA http://www.ana.co.jp/asw/index.jsp?type=de
◎ Transportasyon mula Oita Airport
[Airport Express bus air liner]
Mula Oita Airport hanggang sa sentro ng lungsod ng Beppu (tinatayang 1 oras na biyahe)
Pamasahe: one way, one adult 1,450 yen / round trip 2,500 yen
◎ Car rental
Mula Oita Airport hanggang sa sentro ng lungsod ng Beppu (tinatayang 1 oras na biyahe)
Toyota Rent-A-Car https://rent.toyota.co.jp/eng/
Nippon Rent-A-Car https://www.nrgroup-global.com/en/
Times Rent-A-Car http://www.timescar-rental.com/
Nissan Rent-A-Car https://nissan-rentacar.com/english/guide/
Budget Rent-A-Car http://www.budgetrentacar.co.jp/en/
ORIX Rent-A-Car http://car.orix.co.jp/eng/
Oita Rent-A-Car http://www.oitarenta.com/
◎ Transportasyon mula Fukuoka Airport
[Express bus]
Mula Fukuoka International Airport hanggang sa sentro ng lungsod ng Beppu (tinatayang 2 oras na biyahe)
Pamasahe: one adult 3,100 yen / round trip 5,500 yen
◎ Transportasyon mula Kitakyushu Airport
[Airport bus]
Mula Kitakyushu Airport hanggang JR Kokura Station
◎ Akses gamit ang Japan Railways (JR)
Ang pinakamalapit na istasyon ay ang "Beppu Station" ng JR Nippo Main Line.
Mula Hakata Station JR Nippo Main Line limited express Sonic train (tinatayang 2 oras na biyahe)
Mula Kokura Station JR Nippo Main Line limited express Sonic train (tinatayang 1 oras at 10 minutong biyahe)
Mula Kumamoto Station JR Hohisen express Trans-Kyushu Limited Express train (tinatayang 3 oras na biyahe)
Mula Miyazaki Station JR Nippō Main Line limited express Nichirin train (tinatayang 3 oras na biyahe)
[Express Sonic Train]
Mula JR Kokura Station hanggang Beppu Station
http://www.jrkyushu-timetable.jp/cgi-bin/jr-k_time/tt_dep.cgi?c=28155
JR Kyushu http://www.jrkyushu.co.jp/train/
◎ Akses gamit ang barko o ferry
Ang pinakamalapit na daungan ay ang Beppu International Tourist Harbor kung saan dumadaong ang mga barko o ferry na naglalayag mula sa Osaka at distrito ng Shikoku. Ang Beppu International Tourist Harbor ay 10 minutong biyahe gamit ang kotse mula sa sentro ng lungsod ng Beppu.
Mula Osaka
Ferry Sunflower (Kansai Kisen) http://www.kanki.co.jp/page/kouro.htm
Mula Yawatahama-Misaki
Uwajima Unyu Ferry http://www.uwajimaunyu.co.jp/
Koku (National Highway) 94 ferry http://www.koku94.jp/
◎ Akses gamit ang kotse
Ang pinakamalapit ng highway interchange ay ang "Oita Jidousyado Beppu IC". Mula rito, tinatayang 20 minutong biyahe hanggang sa sentro ng lungsod ng Beppu.
Nishinihon highway (Pang-kanlurang highway ng bansang Hapon) http://www.w-nexco.co.jp/
◎ Beppu city bus
Beppu city bus route search (patungong Beppu ~) http://www.beppuni.com/
Kamenoi bus (ruta, at regular na panglakbay na bus) http://www.kamenoibus.com/
Oita Kotsu (ruta, at regular na panglakbay na bus) http://www.oitakotsu.co.jp/