
Sentoumyou (Pista ng Pa-ilaw ng Kandila)
Tuwing Nobyembre sa Beppu Park ay ginaganap ang Sentoumyou. Pailaw ito ng 24,000 na kandilang parol na gawa sa kawayan na nagbibigay ng mala-panaginip na tanawin at kapaligiran.
Hours
10:00 – 17:00
Address
1st floor Zaizen bldg.
14-2 Kusunoki machi
Beppu city
Phone
0977-85-8733
Sentoumyou (Pista ng Pa-ilaw ng Kandila)
Tuwing Nobyembre sa Beppu Park ay ginaganap ang Sentoumyou. Pailaw ito ng 24,000 na kandilang parol na gawa sa kawayan na nagbibigay ng mala-panaginip na tanawin at kapaligiran.
Tokiwa department store at ang obra ni Yusuke Asai
Kilala ang Tokiwa department store sa mga nakaguhit na sunflower sa paperbag nito. Matatagpuan ito sa sentro ng lungsod ng Beppu. Minamahal ito ng mga mamamayan ng Beppu maging ng mga turista. http://www.tokiwa-dept.co.jp/beppu/
Ang ipinintang obra sa rooftop ng Tokiwa department store ay likha ni Yusuke Asai. Maaaring tumayo sa ibabaw ng obra at lumakad upang lalo itong mamalas at mapahalagahan.
Holidays
None
Hours
10:00 – 19:00
Address
2-9-1 Kitahama
Beppu city
Phone
0977-23-1111
Ashiyu (Pang-paang onsen)
Sa paligid ng Beppu, maraming Ashiyu (pang-paang onsen). Kung gusto niyong matiwasay na mag-relaks sa mga ito, nire-rekomenda na huwag magsuot ng masikip na tights, stockings, at skinny jeans. Bagkos, maluwang na pambaba ang suotin kung saan madaling makapag-relaks nang naka-paa.
Beppu Hatto (Walong tampok na onsen sa Beppu)
Bahagi rin sa ipinag-mamalaki ng Beppu ay ang walong (8) tampok na lugar ng mga onsen na naging iba’t ibang kabayanan kung saan matatagpuan ang napaka-raming pampaliguang onsen na kilala bilang Beppu Hatto.
SPICA
Ang SPICA ay isang select shop na matatagpuan sa kalye ng Nageshi. Nakahilera rito ang iba’t ibang kagamitan at mga natatanging likhang sining tulad ng yaring-kamay na mangkok at mga aksesorya. Mayroon ring buwanang solo eksibit dito.
Holidays
Irregular
Hours
10:00 – 17:00
Address
1-34 Tatsuta machi
Beppu city
Phone
090-9476-0656
Di-baryang onsen pampaliguan
May mga nare-rentahan na onsen o pribadong pampamilyang liguan na maaaring gamitin sa pamamagitan ng paghuhulog ng barya. Ang mainit na tubig sa mga lugar na ito ay napapalitan sa bawat paggamit.
Bar Eau De Vie
Ang Bar Eau De Vie ay lugar inuman para sa mga nakaka-tanda. Ang mga orihinal na timplang inumin ng beteranong bartender rito ay maiinom sa tamang halaga.
Holidays
First and third Mondays
Hours
19:00 – 1:00
Address
1st floor Kitahama Miura bldg.
1-9-13 Kitahama
Beppu city
Phone
0977-21-6011
Yakitori Shuka Kazari
Ang Yakitori (char-broiled chicken) Shuka Kazari ay maliit na kainan na mayroong orihinal at sikretong timpla ng asin para sa kanilang yakitori na siya namang binabalik-balikan rito. Marami ring klase ng inumin rito na siguradong makakapag-alis ng inyong pagod.
Holidays
Every other Sundays
Hours
19:00 – 3:00 (Last order 2:00)
Address
Yasaka Renga St.
1-4-13 Kitahama
Beppu city
Phone
0977-24-7500
Saryou Ooji
Ang Saryou Ooji ay kainan na nagsisilbi ng tradisyonal na putahe sa seremonya ng tsaa na matatagpuan sa bandang kanan ng pataas na daan mula sa Kannawa bus center. Makakain rin sa pribadong espasyo nito ang kilalang Jigoku Mushi ng Kannawa.
Ang tanghalian set na Jigoku Mushi ng Saryou Ooji ay marami at nakabu-busog sa halagang 1,600 yen. Maaari ring magbabad sa onseng pampaliguan ng Saryou Ooji matapos kumain dito.
Ang pang-hapunang set sa Saryou Ooji ay nagkaka-halagang 3,000 yen. Napaka-sarap ng pina-usukang isdang Tai at Kabuto dito. Sinasabing ikaw ay maswerte kapag hugis isda ang buto na makikita mo habang kumakain dito.
Holidays
Tuesdays
Hours
Lunch: 11:00 – 14:00
Dinner: 17:30 – 22:00
Address
5 Furomoto
Kannawa
Beppu city
Phone
0977-66-0011
Lokasyon ng Beppu
Matatagpuan sa silangan na halos sentro narin ng Oita Prefecture, mula sa kabisera na lungsod ng Oita, tatlong istasyon na distansya lamang o sa loob ng 15 minuto ay mararating ang Beppu gamit ang tren.
Bijin no Yu (Nakapagpapa-gandang Onsen)
Ang mayaman sa metasilicic acid na onsen ay tinatawag na Bijin no Yu. Ang malapot na timpla ng mainit na tubig sa paliguang ito ay sinasabing nakagaganda ng kutis.
Haiku and tula sa Kannawa
Nung unang panahon pa, marami nang sikat na manunulat at makata ang gumawa ng akdang tula na tinatawag na kuhi o kahi para sa Beppu. Kaya naman sa distrito ng Kannawa ay maaari kang sumulat ng sarili mong Haiku at ipasa ito sa mga itinayong kahong-pasahan para rito.
Kinou Yoku (Tampok na De Kalidad na Onsen Paliguan)
Ang siyudad ng Beppu ay maraming de kalidad na onsen pampaliguan. Inaanyayahan kayong subukan ang pamamaraan nang pag-kolekta ng karanasan sa pagligo sa iba’t ibang de kalidad na onsen na tinatawag na Kinou Yoku.
Toriten (Chicken Tempura)
Isa pang sikat na putahe mula sa Beppu ay ang Toriten. Gawa ito sa tinimplahang pira-pirasong karne ng manok na pinirito sa mantika. Isinasawsaw ito sa pina-asim na toyo gamit ang ponsu na may halong pampa-anghang bago kainin.
Radio Journey (Tunog-gabay sa paglalakbay sa Beppu)
Ang Radio Journey ay ang paglalakbay sa mga lugar sa Beppu habang nakikinig ng gabay sa radyo. Ang headphone at mapa nito ay maaaring rentahan mula sa Select Beppu. Nagmula ito sa mga lumikha ng kilalang creative media site na “Arte Radio” na sina Silvain and Christophe. Binubuo ang gabay ng mga tunog na mula sa mga pangkaraniwang tunog ng pamumuhay sa Beppu hanggang sa mga tinig ng iba’t ibang mamamayan rito.
Yuzu Yu (pampaliguang onsen na may sitrus)
Kapag tag-lamig, nakagawian na magpalutang ng mga prutas na yuzu sa pampaliguang onsen na tinatawag na Yuzu Yu. Sinasabing maiiwasan na magka-sipon o trangkaso sa taglamig kapag ikaw ay magbabad sa ganitong onsen. Maging sa tag-init, ang pagligo sa mainit na onsen ay nakakapag-papawis at nakagagaan sa pakiramdam.
Puno ng Chickamauga sa Beppu Park
Sa Beppu Park matatagpuan ang isang puno ng Chickamauga na binansagang pinakamatandang Christmas Tree sa bansang Hapon. Bawat taon tuwing Disyembre sa parkeng ito ay may pailaw na nagaganap. Malugod kayong inaanyayahan na maglibang na panoorin ang pailaw sa parkeng ito.
Beppu Spaport at Onsen Master
Mayroong 88 na iba’t ibang onsen pampaliguan na tampok sa tinatawag na Spaport ng Beppu. Kapag makumpleto ang tatak matapos maligo sa lahat ng lugar na ito sa iyong Spaport, ikaw ay babansagang Onsen Master at makaka-tanggap ng isang astig na tuwalya. Kaya subukan mo ito.
Pagkontrol sa init ng tubig mula sa onsen
Mainit ang tubig sa mga onsen ng Beppu. Kung maligamgam na tubig ang nais niyo, pinapayuhang magbabad sa pwesto na malapit sa suplay na maaring tumimpla sa init ng tubig. Kung nais mong magdagdag ng tubig sa onsen, ipagpaalam ito sa iba pang naliligo’t gumagamit ng onsen.
Bilang ng klase ng onsen na matatagpuan sa Beppu
Naitalang mula sa 11 iba’t ibang uri ng onsen sa buong mundo, 10 klase nito ay matatagpuan sa Beppu. Bihirang matagpuan ang ganitong yaman sa isang maliit na lugar, kaya naman ang Beppu ay katangi-tangi.
Rokusei – Espesyalista sa yaring-kamay na malamig na pansit
Ang Rokusei ang natatanging pamantayan pagdating sa yaring-kamay na malamig na pansit ng Beppu. Talaga namang natatangi ang istilong Hapon na sabaw dito na sinasama sa soba noodles na sasahugan ng kimchi at karne ng baka.
Holidays
Wednesdays
Hours
Lunch: 11:30 – 14:00
Dinner: 18:00 – 20:00 (limited supply of broth)
Address
Matsubara cho
Beppu city
Phone
0977-22-0445
Shinanoya
Noong unang bahagi ng panahon ng Showa, itinayo ang bahay-bakasyunan at café na tinatawag na Shinanoya. Kung ika’y pupunta rito na may kasamang maliit na grupo, nire-rekomenda na maupo sa tabi ng bintana na tumatanaw sa hardin nito. Mayroon rin ritong menu ng pagkain na pang-pamilya.
Holidays
None
Hours
9:00 – 21:30 (Last order 20:45)
Address
6-32 Nishi Noguchi cho
Beppu city
Phone
0977-25-8728
Fusuma obra ni Michael Lin
Sa ikalawang palapag ng Select Beppu ay may art space kung saan matatagpuan ang mga hand-painted fusuma (sliding door) drawings ni Michael Lin, isang kilalang artist sa buong mundo na mula sa Taiwan. Kilala ang obra ni Michael Lin sa pagkakaroon ng imahe ng mga malalaking bulaklak na lumulutang sa karagatan. Ayon kay Michael Lin, ini-imahe niya na binibihisan niya ang mga gusali habang siya ay lumilikha. Tulad ng ordinaryong bayad sa mga pampaliguang-onsen sa Beppu, kina-kailangang magbayad ng 100 yen upang makita ang mga obra ni Michael Lin. Maaaring magpahinga sa tatami floor habang pinag-mamasdan ang mga ito. Upang pangalagaan ang mga obra, hinihingi rin ang kooperasyon ng lahat na huwag hawakan ang mga ito.
Holidays
Tuesdays (open on national holidays)
Hours
11:00 – 18:00
Address
9-34 Chuou cho
Beppu city
Phone
0977-80-7226
Patisserie Yume no Ki
Ang royal milk tea gugelhupf ng Patisserie Yume no Ki ay may natatanging mamasa-masang tekstura mula sa mahusay na pagtimpla ng dahon ng earl grey na ginamit rito.
Holidays
Wednesdays、first and third Tuesdays
Hours
10:00 – 21:30
Address
1-4-24
Kitahama
Beppu city
Phone
0977-22-5109
“The Waves and City” ni Aili Zhang
Ang “The Waves and City” ni Aili Zhang, isang Intsik na pintor, ay isang obra na hango sa mga tangkay, dahon, o iba pang likas na yaman na matatagpuan sa Beppu. Enerhiya at likas na yaman, ang anyo ng mga materyal tulad ng mga buto na ginamit rito ay nagbibigay ng mahiwagang mahika sa obrang ito. Ang “The Waves and City” ay buong pusong nilikha ni Aili Zhang. Ang mga likas na yaman na ginamit sa obra ay misteryoso sa paningin ng sinumang mamalas rito.
Ikalawang palapag ng mga onsen pampaliguan
Karamihan sa mga pampublikong onsen pampaliguan sa Beppu ay mayroong ikalawang palapag na nagsisilbing bulwagan. Dito ay nagsasalo at nakikipag-kapwa ang mga lokal na residente ng Beppu.
Kochuubou Karin
Ang Kochuubou Karin ay nagbukas mga ilang taon lamang ang lumipas. Ang nagmula sa Hilagang-silangan Tsina na may-ari nito na si Lin ay gumagawa ng yaring-kamay na gyouza na gumagamit ng napapanahong sangkap na gulay at karne. Ang pangunahing putahe rito ay ang lamb gyouza. Nire-rekomenda rin ang binabad sa Chinese rice wine na “Nilasing na hipon” rito.
Holidays
Irregular
Hours
18:00 – 23:00 (limited supply of dumplings)
Address
10-1 Motomachi
Beppu city
Phone
090-9589-9545
Distrito ng Hamawaki
Ang Beppu ay itinatag mula sa distrito ng Hamawaki. Hanggang ngayon ang magagandang bahagi ng nakalipas nito ay nananatili.
Kouransou Sweets Shop
Ang brandy cake sa Kouransou Sweets Shop ay may nakahahalinang aroma ng brandy na kapag kinain ay nalulusaw sa inyong bibig at may tamang lambot at tekstura. Ito ay simple ngunit may lasang sadyang napakasarap. Ang bagong lutong cake ay ibinabad sa tamang dami ng brandy, na pinapatuyo sandali hanggang maging kainam-inam ang timpla nito. Kung nais itong tikman, huwag mag-alintanang pumunta at magtanong sa Kouransou Sweets Shop.
Holidays
Mondays and Sundays
Hours
9:00 – 18:00
Address
1-3 Minamimatogahama cho
Beppu city
Phone
0977-22-0405
Tuwalya ng Beppu
Ang pa-retrong istilo ng natatanging tuwalya ng Beppu ay sinimulang gawin noon pang ika-30 taon ng Shouwa. Napaka-gandang pagmasdan ng mga ito kaya naman hindi mo maiiwasang gawin itong koleksyon.
Holidays
Sundays (Irregular on national holidays)
Hours
9:00 – 18:00
Address
9-15 Hikari machi
Beppu city
Phone
0977-22-0902
“Higugma (Breath)” o “Hininga” ni Lani Maestro
Ang 「Higugma(Breath. 息)」 o “Hininga” ay eksibit ng mga likha ni Lani Maestro sa kapistahan ng sining na sinimulan noong 2009 na nagtatampok ng 20 obra sa ilalim ng temang “Daigdig ng Mixed Bath”. Sampu sa mga obrang ito ay nananatili sa Beppu hanggang ngayon.
Si Lani Maestro ay nanatili sa platform 05, isang tradisyonal na gusaling Hapon, upang gawin ang kanyang mga obra. Konsepto niya na maitampok ang tahimik at kalmadong pakiramdam ng isang tradisyonal na gusaling Hapon sa pamamagitan ng paggamit ng mga materyal sa pagyari nito sa kanyang mga obra. Si Lani Maestro ay humiling sa gumawa ng gusali ng platform 05 na igawa siya ng kwadrong kahoy na paglalagyan ng kanyang obra na yari sa Shoji gami, ang papel na ginagamit sa tradisyonal na bintanang Hapon.
Sa isang obra, nakaguhit ang isang Tagalog na tula ng isang dalaga para sa kanyang ina. Mababanaag ang nakapintang emosyon ng dalaga sa aninag ng kandila sa imahe.
Sanshu Dou
Ang Western confectionery shop sa Yayoi Machi na Sanshuudou ay maraming panindang madeleines, cream puffs, at tinapay na may timplang mula sa napapanahong prutas na magpapa-alala ng mga lasang mula sa kanluran. Mayroong maliliit na mesa rito kung saan maaaring kainin ang mga matatamis kasabay ang pag-inom ng libreng black tea na kanilang sinisilbi.
Holidays
Irregular
Hours
12:00 – 19:30
Address
1-15 Motomachi
Beppu city
Phone
0977-23-3770
Putaheng base sa bawang ng Koraibo
Ang nire-rekomendang putahe na base sa bawang ng kainang tinatawag na Robata Koraibo ay ang kanilang pina-usukang baboy at Jongoru (Korean sukiyaki). Masarap rin ang kanilang pina-usukang dila at ang Asian ginseng tempura nila na isinasawsaw sa honey sauce. Kung ikaw naman ay nilalamig at nanghihina, ang tail soup sa Robata Koraiba ay siguradong magpapasigla sa iyo at masasabi mo ring naka-gagaling ang pagkain dito.
Holidays
Mondays
Hours
18:30 – 1:00
Address
5-8 Motomachi
Beppu city
Phone
0977-26-0454
Owada Sushi
Ang Owada sushi ay gumagamit lamang ng mataas na kalidad at sariwang sangkap. Ang Chisakananigiri dito ay set ng pinag-halong putahe ng Seki-aji at Seki-saba. May mga pribadong pam-pamilyang espasyo rin sa kainang ito.
Holidays
Mondays
Hours
Lunch: 11:30 – 14:00
Dinner: 16:00 – 21:00
Address
1-1-3 Kitahama
Beppu city
Phone
0977-21-0263
Onipan Café
Ipinagmamalaki ng Onipan Café ay simpleng timpla ng masa ng kanilang tinapay. Yaring-kamay ang masa rito mula sa natural na yeast ng barley, na tinitimplahan ng monggo, custard, at maging pati ang curry.
Holidays
Tuesdays and Wednesdays
Hours
12:00 – 17:00
Address
Under “Beppu eki Kita kouka Shoutengai”(arcade under the North of Beppu station elevated structure)
9-20 Motomachi
Ekimae
Beppu city
Phone
0977-88-2690
Choromatsu
Kahit anupaman ang sabihin, ang nire-rekomenda sa Choro Matsu ay ang kanilang duck menu. Ang karne at laman-loob ng pato, kasama ng gulay, tokwa, at iba pang sangkap ay niluluto habang pinakukuluan sa palayok. Masarap rin ang kanilang pinirito. Mapa-bata man o matanda ay nasisiyahang kumain dito.
Holidays
Mondays
Hours
17:30 – 24:00
Address
1-4 Kitahama
Beppu city
Phone
0977-21-1090
Internasyonal na nayong pang-turismo
Matatagpuan sa Oita Prefecture, rehiyon ng Kyushu, ang Beppu ay destinasyong pangturismo pagdating sa mainit na bukal o mas kilala bilang onsen (hot springs). Sikat ang lungsod ng Beppu noon pa man at dinarayo ng maraming turista. Nang magbukas ang Ritsumeikan Asia Pacific University (APU), isang internasyonal na unibersidad, dumami rin ang bilang ng banyagang naninirahan sa Beppu.
Zabon Zuke
Sikat na minatamis sa Beppu ang Zabon Zuke. Ito ay ang pinakuluang balat ng malaking suha na tinatawag na zabon sa matamis na pulut-pukyutan. Bagay na pares ito sa green tea at black tea.
B-Con Plaza
Ang B-Con Plaza ay isang pang-daigdigang bulwagan. Ang nag-disenyo nito ay si Arata Isozaki, isang arkitekto na ipinanganak sa Oita Prefecture. Ang global tower sa tabi nito ay dinesenyo rin ni Arata Isozaki. Isa itong obserbatoryo at parola na may natatanging pinutol na bahagi ng globo bilang disenyo.
Tenugui na bimpo
Sinasabing mas mabilis matuyo ang Tenugui na bimpo kumpara sa regular na tuwalya kaya mainam ito kung ikaw ay mag-iikot sa iba’t ibang onsen.
Akashi Bunshoudo
Ang Akashi Bunshoudo ay makalumang tindahan ng kagamitan sa pagsulat sa tapat ng istasyon ng Beppu. Matatagpuan rito ang mga orihinal na kulay ng tinta para sa fountain pen na ginawa para sa imahe ng Beppu tulad ng Kannawa Sepya at LuntiangTsurumi.
Holidays
Third Sundays
Hours
Weekdays: 10:00 – 18:30
Sun/national holidays: 10:00 – 18:00
Address
2nd floor Arc Hills 1
11-10 Ekimaecho
Beppu city
Phone
0977-22-1465
Kannawa Yuami Matsuri (Pista ng Pagligo sa Kannawa)
Bawat taon tuwing Setyembre ay ginaganap ang Kannawa Yuami Matsuri. Pista ito kung saan ginagawa ang ritual na Yuami Houyou o ang pagpapatong sa balikat ng imahe ng Ippen Shonin at paglublob sa onsen. Ginagawa rin ang pasayaw na pagbigkas ng relihiyong Budismo, at iba pa.
Likas na yaman mula sa onsen ng Beppu
Nangunguna ang Beppu pagdating sa likas na yaman mula sa onsen sa bansang Hapon. Mula sa tinatayang 2,217 na bilang ng onsen sa bansang Hapon, humigit kumulang 10% nito ay matatagpuan sa Beppu. Tinatayang 83,058 litro ng mainit na tubig ang kayang lumabas sa mga onsen ng Beppu bawat araw. Ito ay maihahambing sa pagsu-suplay nang mahigit sa 1 litrong mainit na tubig sa bawat isang Hapones araw-araw. Pumapangalawa ang Beppu sa buong mundo pagdating sa dami ng likas na yaman mula sa onsen na pinangungunahan ng Yellow Stone National Park ng Amerika.
Jigoku Mushi Gama
Sa Kannawa, maraming pang-solo na lutuang-kainan at matutuluyan. May mga matutuluyan na nagpapahiram ng Jigoku Mushi Gama o lutuan para sa mga sahog na pa-uusukan sa bugang usok ng onsen. At dahil sa mga ito, naging pang-halina narin ng Beppu ang makapag-relaks sa murang halaga.
Mayakashiya
Mayroong dalawang klase ng Toriten sa kainan na tinatawag na Mayakashiya. Ang isa ay ang “Mayakashiya Toriten” na may tamang timpla at kinatasan ng Kabosu. Habang ang isa pa ay nilasahan gamit ang ponzu at karashi (pampa-anghang) na tinatawag na “Mukashinagara no Toriten”. Kung unang beses ka palang kakain ng Toriten, nire-rekomenda na subukan ang Mukashinagara no Toriten. Kapag ito’y kinain sa pananghalian kasabay ang set na inumin at ice cream, ito ay nagkaka-halaga ng 1,000 yen lamang.
Holidays
Sundays (Irregular on national holidays)
Hours
Mon: 18:00 – 22:30 (Last order 22:00)
Tues to Sat: 11:30 – 14:30 (Last order 14:00)
18:00 – 22:30 (Last order 22:00)
Address
2nd floor
3-6 Ekimae Motomachi
Beppu city
Phone
0977-24-8715
Biyoushitsu Ecchi (kilala at pinagkaka-tiwalaang beauty parlor)
Ang Beppu Hatto sekken (soap) ay ginagawa at mabibili sa kilala at pinagkaka-tiwalaang Biyoushitsu Ecchi beauty parlor. Nagagawa ang banayad na sabong ito sa pamamagitan ng pagpapakapal ng tubig mula sa onsen hanggang ito ay maging paste gamit ang mga additive-free na materyal. Ang Beppu Hatto sekken ay mayroong 8 klase. Kung nais ninyong subukan ang lahat ng ito, nire-rekomendang bilhin ang 2 klase ng maliliit na sets nito, ang Shittori (gentle) set at ang Sappari (refreshing) set.
Holidays
Mondays and third Tuesdays
Hours
9:00 – 18:00
Address
2-1-28 Kitahama
Beppu city
Phone
0977-22-4005
Yaring-kawayan sa Beppu (bamboo handicrafts)
Sikat rin ang yaring-kawayan sa Beppu. Hanggang ngayon, maraming bihasa sa sining na ito ang naninirahan parin rito at patuloy na gumagawa ng mga produktong gawa sa kawayan. Sa paglikha yari sa kamay ng mga produkto, makikita ang mapang-akit na sining nito sa manilaw-nilaw na pagbabago ng kulay ng malambot na kawayan mula sa Beppu.
Matsubara Onsen
Ang Matsubara Onsen ay nagta-tampok ng dalawang bilohabang paliguan. Magkaiba ang init ng tubig sa bawat onseng pampaliguan na maaaring pagpilian batay sa inyong nais.
Holidays
None
Hours
6:30 – 12:00 / 15:00 – 23:00
Address
3-4 Matsubara cho
Beppu city
Phone
0977-22-8153
Fujiyoshi Shouyu (Toyo)
Ang Cattleya toyo (soy sauce) ng Fujiyoshi Shouyu ay mula sa pinag-halong timpla ng katsuo (isda), shiitake mushroom, at konbu (halamang dagat) na mayroong malakas na manamis-namis na lasa. Hindi ito mabibili ng pakyawan kaya huwag mag-atubiling bisitahin ang tindahin nito. Mabibili rin ang ilang produkto nito online.
Holidays
None
Hours
Mon to Sat: 8:00 – 18:00
Sun/national holidays: 9:00 – 16:00
Address
9-9 Hikari machi
Beppu city
Phone
0977-21-1006
Suehiro Onsen at myural na likha ni Yukari Ohira
Ang Suehiro Onsen ay isang onsen-pampaliguan na itinayo malapit sa komunidad 20 taon bago ang panahon ng Showa. Malinaw ang tubig sa simpleng bukal na ito na hanggang ngayon ay minamahal ng mga mamamayan. Sa ipinintang myural sa Suehiro Onsen ni Yukari Ohira, isang mamamayan ng Kiyoshima apartment, makikita na ang maiinit na tubig sa pang-babaeng paliguan ay mula sa Bundok Yufu at ang sa pang-lalaking paliguan naman ay mula sa Bundok Tsurumi.
Holidays
None
Hours
7:00 – 22:00
Address
4-20 Suehiro cho
Beppu city
Phone
090-5725-5215
Shirasu (Whitebait)
Ang Shirasu ay sikat na isda mula sa look ng Beppu. 70% ng isdang Shirasu sa Oita Prefecture ay huli mula sa look ng Beppu. Ang bagong huling Shirasu sa mga daungan ng palaisdaan ay sapat upang makagawa ng masarap na putaheng Shirasu Donburi (rice toppings).
Genova Gelato (espesyalistang bilihan)
Ang espesyalista naman sa gelato ay ang Genova na mayroong 26 na klase ng additive-free at handmade na gelato na may iba’t ibang kulay na nakahilera sa tindahan nito. Mayroon ring limited na edisyon ng napapanahong timpla rito na nararapat niyong subukan.
Holidays
Mondays (If it’s a national holiday, the store will be closed on the following day instead.)
Hours
15:00 – 24:00
Address
1-10-5 Kitahama
Beppu city
Phone
0977-22-6051
Palabas ng paputok tuwing kapaskuhan (fireworks display)
Bawat taon tuwing kapaskuhan, mayroong malaking palabas ng paputok sa Beppu. Ang malalaking pasabog ay isinasabay sa mga kantang uso at tugtuging pamasko na lalong nagpapakulay sa masayang tanawin ng gabi.
Jigoku Meguri (Paglalakbay sa iba’t ibang mala-impyernong onsen)
Ang Jigoku Meguri (paglalakbay sa mala-impyernong onsen) ay sikat na pasyalan na binubuo ng walong (8) lugar kung saan makikita ang iba’t ibang uri at daloy ng natural na onsen. Ang mga onsen dito ay ‘di maaaring paliguan ngunit siguradong masisiyahan kayo sa ganda ng tanawin rito.
Ang Yama Jigoku ay mayroong malalakas na pataas na buga ng gaas mula sa mabatong bundok ng lupa. Ang lugar na ito ay may maliit na zoo na nag-aalaga ng elepante, hippopotamus at unggoy ng bansang Hapon.
Ang Kamado Jigoku ay nagsi-singaw ng mala-ulap na gaas. Noong una, tuwing kapistahan, sinasabing ang gaas na ibinubuga nito ay ginagamait sa pagsasaing ng bigas na ini-aalay sa Diyos.
Ang init na galing sa sa bukal ng Oniyama Jigoku ay ginagamit upang alagaan at paramihin ang tinatayang 100 na buwaya. Ang isa pang alyas nito ay Wani (Buwaya) Jigoku. Nagsimulang mag-alaga ng buwaya sa lugar nito noong ika-12 taon ng Taishou.
Ang Shiraike Jigoku (Pale Pond Hell) ay bukal na mayroong boric acid at asin. Ang mainit na tubig na binubuga nito ay malinaw at walang kulay. Ngunit kapag ang mga mainit na buga nito ay mahalo sa kapaligiran at bumaba ang temperatura, nagmi-mistulang ulap ang mga ito.
Ang Tatsumaki Jigoku ay isang geyser. Kapag ang presyur ng atmospera sa ilalim ng lupa nito ay umabot sa 150 degree sentigrado na magpapa-init ng lubusan sa tubig nito, tinatantyang simula 20 hanggang 40 minuto ay mararamdaman ang malakas na pagbuga ng geyser nito.
Ang onsen ng Umi Jigoku (Sea Hell) ay mala-asul na kobalt ang kulay. Sa unang tingin ay mukhang malamig ito ngunit ang totoo ay umiinit ito na aabot sa 98 degree sentigrado. Gamit ang init at usok mula ng Umi Jigoku ay nakapag-luluto ng sikat na onsen tamago (nilagong itlog) at puding.
Ang Chinoike Jigoku (Blood Hell) ay kilala na naglalaman ng mineral na Iron Oxide na siya namang nagbibigay ng natatanging mala-dugong pulang kulay nito. Ayon sa kasaysayan, ang pangalan ng lugar na ito ay ibinigay ng sikat na manunula na si Manyoushuu.
Ang Bouzu Jigoku (Shaven Head Hell) ay putikang onsen na may init na 99 degree sentigrado. Ang paputok-putok na pag-angat ng bula ng putik nito ay inihahalintulad sa ulo ng isang kalbo mongha.
Holidays
None
Hours
8:00 – 17:00
Phone
0977-66-1577
Ang mga obrang myural ng HITOTZUKI
Ang grupo ng HITOTZUKI ay mayroong mga myural sa Beppu Kankou Kai (Beppu Toursim Society) at sa gusali ng Tateishi sa Akiba Chou, Beppu. Nakapinta sa disenyo ng mga myural ang mala-heometryang kurba nang mahusay na proporsyon ng mga asul na bumubuo ng mga bulaklak. Ang orihinal na puting pinta ng gusali ng Tateishi ay pinintahan ng iba’t ibang asul na nagmistulang mga ulap at mga alon. Ang asul na pinta rito ay nagbabago depende sa panahon. Ang maulap na panahon ang sinasabing nagtatampok ng pinaka-matingkad na tanawin ng mga myural.
Onsen Matsuri (Pista ng Onsen) at Ogiyama Himatsuri (Pista ng Apoy sa bundok Ogi)
Bawat taon tuwing Abril ay sinasagawa ang Onsen Matsuri sa Beppu. Sa panahong ito, may mga nakatalagang libreng pampaliguang onsen. Pinakatampok na kaganapan sa panahong ito ay ang Ogiyama Himatsuri o ang panandaliang pagsusunog sa piling kapatagan ng bundok Ogi na nagbibigay ng magandang tanawin sa gabi ng kapistahan.